Pagtalakay sa Cha-Cha, ipinagpaliban na sa susunod na taon
Wala nang aasahang pagtalakay ang Kamara sa taong 2020 sa kontrobersyal na Charter Change.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriquez, sa Enero o Pebrero na ng susunod na taon sila mag-uusap ng komite ukol dito.
Ito, ayon kay Rodriquez, ay base na rin sa naging suhestyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Paliwanag ni Rodriquez, kailangan nilang mag-focus sa mga panukala para malabanan ang COVID-19 bukod pa rito ang pagtalakay sa panukalang 2021 national budget.
Nauna nang sinabi ni Rodriguez na magpapatawag siya noong Hulyo ng pulong sa komite upang pag-usapan ang Charter Change proposal ng mga alkalde ng iba’t ibang munisipalidad ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.