BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 205,581

Nasa mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (August 27), umabot na sa 205,581 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 68,357 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,249 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.8 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 98 out of 110 licensed laboratories.

Nasa 97 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,234 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 566 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 133,990 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...