“Birthday Online Jamming” para kay Senator Leila De Lima isasagawa ngayong araw

By Jan Escosio August 27, 2020 - 12:21 PM

Ngayon ang ika-61 kaarawan ni Senator Leila de Lima at ang ika-apat na pagkakataon na gugunitain niya ang kanyang araw ng kapanganakan sa loob ng PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Kasabay nito, magkakaroon ng online community jamming na pinamagatang Leilaya! Tinig at Musika para sa Diwang Malaya na tatampukan ng mga kilalang musikero, artista, aktibista at mga lider mula sa ibat-ibang grupong sibiko at relihiyoso.

Makikibahagi din sa natatanging pagdiriwang sina Vice President Leni Robredo at Sens. Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Magtatanghal naman sina Ebe Dancel, Bayang Barrios, Bituin Escalante, Ria Atayde, Miko Morelos, Juan Miguel Severo, Angel Aquino, Michael de Mesa at iba pang kilalang personalidad sa mundo ng sining.

Pangungunahan ang pagdiriwan ng grupong Free Leila de Lima Movement at ang e-jamming ay mapapakinggan sa Radyo Katipunan 87.9 FM at mapapanood naman ang live streaming sa Facebook accounts ng FLM, Leila de Lima at Free Leila Committee mula alas-8 hanggang alas-11 mamayang gabi.

Magugunita na February 24, 2017 nang ipakulong si de Lima, na kilalang matinding kritiko ng administrasyong-Duterte, dahil sa mga kaso na ibinase sa testimoniya ng mga preso.

Bago pa makulong, pinangunahan ni de Lima ang pag-iimbestiga sa Senado sa mga sinasabing extra judicial killings kasabay nang pagkasa ng war on drugs ng gobyerno.

 

 

TAGS: Birthday Online Jamming, Inquirer News, Leilaya, News in the Philippines, Online Jamming, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Birthday Online Jamming, Inquirer News, Leilaya, News in the Philippines, Online Jamming, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.