Rationalization sa disability pension ng mga beterano lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon August 27, 2020 - 11:34 AM

Pasado sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7302 o ang “Disability Pension of Veterans Act”.

Sa botong 226 Yes at wala namang pagtutol ay lumusot ang panukala na layong i-rationalize at itaas ang disability pension ng mga beterano na nagkaroon ng kapansanan habang sila pa ay nasa aktibong serbisyo.

Sa ilalim ng panukala ang mga beterano na nakakatanggap ng P1,000 na pensyon ay itataas na sa P4,500 kada buwan; P5,000 naman sa mga kasalukuyang tumatanggap ng P1,100 na pension disability; P6,100 naman sa mga may P1,200 disability pension kada buwan habang P6,900 naman sa mga may P1,300 disability pension.

ang mga beterano naman na may P1,400 na disability pension ay itataas na sa P7,700; P8,500 naman sa mga may P1,500 disability pension; P9,300 sa mga may P1,600 disability pension at itataas sa P10,000 ang may P1,700 na disability pension kada buwan.

Itataas na rin sa P1,000 ang P500 na pensyon na natatanggap kada buwan ng asawa o anak na menor de edad ng isang beterano.

 

 

TAGS: Disability Pension of Veterans Act, House Bill 7302, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Disability Pension of Veterans Act, House Bill 7302, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.