Susunod na PhilHealth President dapat walang bahid ng korapsyon
Naglatag na ng kwalipikasyon ang Palasyo ng Malakanyang para sa susunod na pinuno ng PhilHealth.
Ito ay matapos magsumite na kahapon ng resignation letter si PhilHealth President Ricardo Morales kay Executive Secretary Salvador Medialdea dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat walang bahid ng korapsyon at malinis ang pagkatao ng susunod na pinuno.
Dapat din aniyang marunong magbabtay sa kaban ng bayan para hindi makurakot ang pondo at mayroong managerial skills.
Kapag kasi aniya hindi marunong magbantay sa kaban ng bayan, malakas ang temptasyon na ubusin ang pera para sa sariling interes lamang.
Ayon kay Roque, zero tolerance si Pangulong Duterte kung korapsyon ang pag-uusapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.