Global death toll sa COVID-19 mahigit 829,000 na

Sumampa na sa mahigit 829,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 829,665 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 183,653.

Sumampa naman na sa mahigit 117,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 62,000.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 117,756
Mexico – 62,076
India – 60,629
UK – 41,465
Italy – 35,458
France – 30,544
Spain – 28,971
Peru – 28,124

Sumampa naman na sa mahigit 16.8 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

 

Read more...