Resignation ni Morales sa PhilHealth tinanggap ni Pangulong Duterte
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni PhilHealth President Ricardo Morales.
Kinumpirma ito ni Health Secretary Francisco Duque na siya ring chairman ng PhilHealth.
Bilang chairman ng PhilHealth tinanggap din ni Duque ang resignation ni PhilHealth Senior Vice President Rodolfo del Rosario Jr.
Ayon kay Duque sa ngayon, naghahanap na si Pangulong Duterte ng ipapalit kay Morales bilang president at CEO ng PhilHealth.
Tiniyak naman ni Duque na hindi maaapektuhan ang operasyon ng PhilHealth dahil sa pagbibitiw ng dalawang opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.