Ginawang protesta ng mga manlalaro ng Milwaukee Bucks suportado ng owner ng team

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2020 - 08:25 AM

Naglabas ng pahayag ang pamunuan ng koponan ng Milwaukee Bucks matapos magpasya ang mga manlalaro nito na i-boykott ang kanilang laro ngayong araw sa NBA playoffs bilang pakikiisa sa protesta sa pamamaril kay Jacob Blake.

Naglabas ng joint statement ang mga may-ari ng koponan na sina Marc Lasry, West Edens at Jamie Dinan.

Sa nasabing pahayag sinabi nilang suportado nila ang kanilang players at ang naging pasya ng mga ito.

Sang-ayon din umano sila sa paninindigan ng mga player sa isyu.

Ayon sa pahayag kailangang magbigyang linaw ang racial injustices na tahasang nangyayari.

At ito anila ang ginawang hakbang ng kanilang manlalaro.

Tiniyak ng pamunuan ng Bucks na patuloy silang susuporta sa mga manlalaro at makikiisa sa mga panawagan ng accountability at pagbabago.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Jacob Blake, Milwaukee Bucks, NBA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Jacob Blake, Milwaukee Bucks, NBA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.