NBA playoffs games suspendido; Milwaukee Bucks team hindi sumipot sa court bilang protesta sa pamamaril kay Jacob Blake

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2020 - 06:04 AM

Hindi natuloy ang game 5 sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Orlando Magic ngayong araw para sa NBA playoffs.

Hindi kasi sumipot sa court ang buong team ng Bucks na bahagi umano ng kanilang pakikiisa sa mga protesta sa pamamaril sa black man na si Jacob Blake sa Wisconsin.

Dahil sa hindi pagdating sa court, nagpasya ang pamunuan ng NBA na suspendihin ang laban.

Kanselado na din ang dalawang iba pang laban ngayong araw kabilang ang laban ng Oklahoma City Thunder at Houston Rockets at ang laban ng Portland Trail Blazers at Los Angeles Lakers.

Lahat ng tatlong laro ay ire-reschedule na lamang.

Nakalalamang ang Bucks sa best of seven series na mayroong 3 panalo kumpara sa 1 panalo pa lamang ng magic.

Sa Instagram account ng koponan ng Bucks, ibinahagi ang mga larawan ng kanilang mga manlalaro suot ang mga T-shirt na mayroong pahayag ng pagpoprotesta.

 

 

TAGS: Jacob Blake, NBA, playoffs, suspended, Jacob Blake, NBA, playoffs, suspended

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.