LPA sa loob ng bansa magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa loob ng bansa na may tsansang maging ganap na bagyo.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 925 kilometers East ng Daet, Camarines Norte.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA dahil sa trough ng naturang LPA, ang Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Oriental ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, Habagat naman ang nakaaapekto sa Northern Luzon.

Dahil sa Habagat, makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan.

 

 

 

 

 

 

Read more...