VP Robredo, dedma sa mga tukso na ‘Miss Tapia look’

By Jan Escosio August 26, 2020 - 11:17 PM

Hindi na pinatulan ni Vice President Leni Robredo ang mga nagbinyag sa kanya na ‘Miss Tapia’ matapos ang kanyang public address noong araw ng Lunes, August 24.

Sa kanyang social media post, sinabi na lang ni Robredo na, “nakakalungkot man na ’yung pinansin at hindi ‘yung laman ng sinabi, di ko gusto kong patulan kasi it’s an opportunity to advocate for #supportlocal.”

Pinuna ang bagong hitsura ni Robredo, maging ang pagsusuot ng salamin sa mata at tabas ng damit at sinabing kamukha niya si Ms. Tapia, ang kinakatakutang guro sa programang ‘Iskul Bukol’ na ginampanan ng namayapang si Mely Tagasa.

Ngunit sa kanyang pagsagot, binigyang promosyon na rin ni Robredo ang isang local clothing brand na aniya ay matagal na nilang isinusuot ng kanyang mga anak.

Pinuri pa niya ang may-ari ng clothing brand dahil sa paggawa ng personal protective equipment sets para sa medical and health frontliners.

Paliwanag naman niya, sa pagsusuot ng salamin na matagal na siyang gumagamit ng salamin at hindi na lang niya ito inalis sa kanyang public address bilang proteksyon.

Ukol naman sa kanyang buhok, sinadya niyang mag-‘pony tail’ dahil humaba na ito at mas madali ang pagsusuot ng mask kapag naka-ayos ang buhok.

Kabilang sa mga matinding pumuna sa bagong hitsura ni Robredo ay ang beteranang aktres na si Vivian Velez.

TAGS: Inquirer News, Miss Tapia look, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo, Inquirer News, Miss Tapia look, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.