Pekeng abogado, timbog sa ‘ghost face shield’

Inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Bonifacio Global City sa Taguig City ang isang lalaki na nagpapakilalang abogado at nag-aalok ng libu-libong face shields.

Inireklamo ang 47-anyos na si Juan Antonio Evangelista nina Reinchild Salting at Carina Lim na hiwalay na um-order ng 22,500 face shields sa halagang P900,000.

Ayon kina Salting at Lim, sinabi ni Evangelista na konektado siya sa Skyphil Corp., at aniya, may mga nakaimbak sa libu-libong face shield sa isang bodega sa Paco, Maynila.

Napaniwala naman ang dalawa ng suspek kayat agad silang nagbayad ngunit wala silang natanggap na faceshields.

Nagpunta ang dalawa sa bodega at nalaman nila na naloko sila ni Evangelista kayat nagreklamo na sila sa awtoridad.

Nang makausap, nagbigay ng iba’t ibang dahilan si Evangelista kayat hindi nai-deliver ang face shields at aniya, matutuloy lang ang transaksyon kung magbibigay ang dalawa ng P2 milyon para sa karagdagang order.

Ikinasa na ng CIDG ang entrapment operation kayat nahuli si Evangelista.

Read more...