Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nadagdagan pa

Nagkaroon ng bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 10,404 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (August 26).

Ang nasabing confirmed cases sa lungsod ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,558 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

7,441 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 405 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 11,067 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...