COVID-19 cases sa Mandaluyong City, higit 2,800 na
Napaulat ang 62 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (August 26), 2,807 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 949 ang aktibong kaso.
143 ang itinuturing na probable cases habang 1,094 ang suspected cases kung saan 9,295 ang cleared na.
61 rin ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 1,753 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Umakyat namam sa 107 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.