Higit 67,000 pang COVID-19 cases, napaulat sa India
By Angellic Jordan August 26, 2020 - 06:01 PM
Nasa 67,151 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 26), pumalo na sa 3,234,474 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 707,267 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 63,173 ang mga gumaling.
Dahil dito, 2,467,758 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 59,449 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.