Rep. Paul Daza, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan August 26, 2020 - 08:41 PM

Congress photo

Nagpositibo sa COVID-19 si Northern Samar 1st District Representative Paul Daza.

Kinumpirma ito mismo ng kongresista sa inilabas na pahayag.

Aniya, lumabas sa swab test result na positibo siya sa nakakahawang sakit noong araw ng Martes, August 25.

Sa ngayon, naka-confine aniya siya sa ospital.

Sinabi ng mambabatas na nagnegatibo pa siya nang sumailalim sa swab test sa Maynila bago umuwi sa Catarman noong August 8.

Nagsimula aniyang sumama ang kaniyang pakiramdam noong Linggo ng gabi, August 16, matapos mag-ikot sa mga bayan at magsagawa ng inspeksyon sa ilang proyekto sa unang distrito ng nasabing probinsya.

Tumuloy pa rin siya sa pagtatrabaho sa kanilang bahay sa Daganas ngunit hindi na siya lumabas dito.

Dahil masama pa rin ang kaniyang pakiramdam, sinabi ni Daza na inabisuhan siya ng mga doktor na bumalik ng Maynila noong August 24 at dumeretso siya sa ospital para sa pagsusuri.

“Following DOH guidelines, those who had been with me anytime in the few days before August 16 and up to the 24th should get in touch immediately with our local health authorities,” pahayag ni Daza.

“I have also instructed my staff in Congress and Daganas field office to immediately initiate a thorough contact tracing in coordination with local officials and health authorities,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Daza na patuloy pa rin siyang magtatrabaho sa pamamagitan ng teleconferencing at online mode.

TAGS: breaking news, COVID-19, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Paul Daza COVID-19, positive, Radyo Inquirer news, Rep. Paul Daza, breaking news, COVID-19, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Paul Daza COVID-19, positive, Radyo Inquirer news, Rep. Paul Daza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.