BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 202,000 na
Mahigit 5,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (August 26), umabot na sa 202,361 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 65,764 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,277 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.3 porsyento ang asymptomatic; 0.9 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 95 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 99 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,137 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,131 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 133,460 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.