37 LSIs mula Maynila, Cebu nakauwi na ng Iloilo

Nakauwi na ang 37 locally stranded individuals (LSIs) sa Iloilo City, araw ng Martes, August 25.

Inasiste ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station – Iloilo ang disembarkation at health protocols ng LSIs sa Arrastre Pier, Fort San Pedro.

Nagmula ang 30 LSIs sa Maynila habang pito naman sa Cebu.

Agad ding nai-turnover ang LSIs sa kani-kanilang local government units para sa mandatory 14-day quarantine period.

Read more...