Pulis patay sa ambush sa Lanao del Sur

Agad namatay ang isang pulis, samantalang nasugatan naman ang kanyang kasama sa pananambang sa Marantao, Lanao del Sur Miyerkules (Aug. 26) ng umaga.

Agad namatay sanhi ng tama ng bala sa ulo si Police Master Sgt. Hnor Aminod Tander, samantalang ang sugatan ay si Police Master Sgt. Khadafy Goling Bantuas.

Kapwa miyembro ng Marantao Municipal Police ang dalawang biktima.

Base sa paunang ulat, nangyari ang pananambang sa Barangay Ragayan ala-6:40 ng umaga.

Magka-angkas sa motorsiklo ang dalawang pulis at papunta sa kanilang istasyon na sila ay paulanan ng bala ng dalawang magka-angkas din sa motorsiklo.

Nagawa pa ni Bantuas na makaganti ng putok kaya’t napilitan na ang mga salarin na tumakas.

Inaalam pa ang motibo sa insidente.

 

 

Read more...