Sen. Bong Go namahagi ng tulong sa mga boksingero
Halos 100 boksingero sa Northern Mindanao ang nakatanggap ng mga tulong mula kay Senator Christopher Go, katulong ang DSWD at Games and Amusement Board (GAB).
Binigyan ng food and medicine packs, gayundin ng masks ang mga boksingero mula sa Bukidnon, Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Ang pamamahagi ng tulong ay isinagawa sa Barangay Macasandig sa Cagayan de Oro City.
Ilan din sa mga lubos na nangangailangan na mga atleta ay binigyan ng bisikleta.
Una nang namahagi ng tulong si Go sa 86 boksingero sa General Santos City at bukod dito, 59 boksingero din ang kanyang natulungan sa Davao City.
“Kung may kailangan ng tulong magsabi lang kayo sa akin… handa kami na tumulong sa inyo. ‘Wag kayong mahiya na lumapit sa amin dahil trabaho namin ang magserbisyo sa inyo,” ang mensahe ni Go sa mga atleta.
Sinabi pa nito na sakaling mangailangan ang mga ito ng tulong para sa kalusugan ay maari silang magtungo sa apat na Malasakit Centers sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.