“Good health” hiling ng ilang senador kay Pangulong Duterte

By Jan Escosio August 26, 2020 - 12:17 PM

Matapos isapubliko na malapit nang maging Stage 1 cancer ang sakit sa kanyang lalamunan, ilang senador ang nagbigay na ng magkakahiwalay na mensahe para kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III sa edad ni Pangulong Duterte hindi na kataka-taka kung may may isyu na ito sa kalusugan.

Aniya naniniwala naman siya na maalagaan si Pangulong Duterte ng partner nitong si Honeylet Avanceña, na isang registered nurse at nag-trabaho ng ilang taon sa US.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara na hinihiling niya ang magandang kalusugan para kay Pangulong Duterte dahil kailangan ito ng bansa sa pakikipagpalaban sa kasalukuyang pandemya.

Ganito rin ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Nagpapaalala naman si Sen. Bato dela Rosa, na kilalang malapit kay Pangulong Duterte, na dapat alagaan na ng Punong Ehekutibo ang kanyang sarili.

Sa pagbahagi ni Pangulong Duterte, sinabi nito na ang babala sa kanyang doktor ay magiging cancer na ang sakit sa kanyang lalamunan kung hindi nito titigilan ang pag-inom ng alak.

 

TAGS: health condition, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, health condition, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.