Ayon kay Lacson ayaw naman niyang isipin na labis na naapektuhan na rin si Morales ng tatlong pagdinig na ikinasa ng Senate Committee of the Whole ukol sa mga alegasyon ng anomalya sa paggamit ng pondo ng PhilHealth.
Sinabi ng senador na maaring maharap pa sa mga kasong legal si Morales base sa isusumiteng resolusyon ng komite.
Gayunpaman, sinabi ni Lacson na nais niyang gumaling ang sakit na cancer ni Morales at manumbalik ang sigla ng kalusugan.
Una nang inanunsiyo ni Pangulong Duterte na nais niyang magbitiw na sa puwesto si Morales dahil labis nitong inaalala ang kalusugan ng opisyal ngayon nahaharap sa mabibigat na isyu ang PhilHealth.
Agad namang tumugon si Morales at sinabing isusumite na niya ang kaniyang resignation sa Malakanyang.
Sabi naman ni Senate President Vicente Sotto III, ang anunsiyo ni Pangulong Duterte ang pinakamakatao ng paraan ng pagpapatalsik sa puwesto kay Morales.