Ayon kay Gatchalian may LGUs na magkakaiba ang polisiya ukol sa face shield kaya’t nalilito ang publiko.
Dapat din linawin kung may basehan ang sinasabing nakakatulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19 ang face shield.
Ibinahagi ni Gatchalian ang kanyang naranasan kung saan mandatory ang pagsusuot ng face shield sa Taguig City ngunit hindi sa Valenzuela City.
Bagamat aniya nagpalabas na ng guidelines ang Department of Transportation, Department of Trade and Industry at ang Labor and Employment Department sa mandatory use of face shield, walang pinal na desisyon ang IATF kung talagang dapat nagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Dagdag pa ni Gatchalian ang DOH ay nag-anunsiyo na hindi dapat hihigit sa P50 ang halaga ng face shield at ito rin ang sinabi ng DTI.