Pangulong Duterte walang cancer, maayos ang kalusugan – Malakanyang
Humihirit ang Palasyo ng Malakanyang sa mga kritiko na huwag kulayan ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa lagay ng kanyang kallusugan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang cancer at maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.
Una rito, sinabi ng pangulo na pinayuhan siya ng kanyang nga doktor na huwag nang uminom ng alak at umiwas na sa pagkain ng matataba dahil malapit ba siyang magkaroon ng stage 1 cancer sa barrett’s esophagus.
Ayon kay Roque, hindi na kailangan na maglabas ng medical bulletin sa lagay ng kalusugan ng pangulo dahil walang malubhang karamdaman ang punong ehekutibo.
Hindi na rin aniya dapat na nilalagyan ng ibang kahulugan ang mga pahayag ng pangulo.
Naging transparent naman aniya ang pangulo sa paghahayag kung mayroon itong nararamdamang sakit.
Naikukuwento lang aniya ng pangulo ang kanyang mga nararanasan.
Kung totoong may cancer ang pangulo, maaring sumailalim na ito ngayon sa chemotherapy.
Isa aniyang abogado ang pangulo at batid niyo ang isinasaad sa Konstitusyon na kailangan na ilahad sa publiko kung mayroon siyang malalang karamdaman
Sorry na lamang aniya sa nga kritiko na naghahangad ng masama sa pangulo dahil sa ngayon ay malakas ang pangangatawan ng 75 anyos na presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.