Bayanihan 2 pinalagyan ng safety measures ni Pangulong Duerte para hindi makurakot ang pondo

August 26, 2020 - 11:32 AM

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na lagyan ng detalyadong safety measures ang Bayanihan to Recover as One Act o kilala bilang Bayanihan 2

Ito ay para masiguro na hindi nakukurakot ang 165 bilyong pisong pondo na nakapaloob sa batas na ipang aayuda sa mga negosyante at ipangbibili sa health related na gamit para magamit kontra COVID-19.

Ayon sa pangulo, kung kinakailangan na maglagay ang kongreso ng oversight, undersight o sidesight committee ay gawin ito para masiguro na naalagaaan ang pera ng bayan.

Maari din aniyang pagpaliwanagin ng Kongreso ang kanyang mga gabinete ng kada linggo kung saan napunta ang pera.

Ayon sa pangulo, kung hindi pa makukuntento ang kongreso, maari ring tawagin ang kanyang gabinete para pagpaliwanagin.

“Now, really, walang biro na ‘to. If there’s money, I can assure… Congress is free — Congress is free to participate or create oversight of committees — committees of all sorts. Anong committee maisip ninyo sa COVID one or two, wala namang — pati COVID two, kung mayroon pa, ilagay ninyo, oversight, undersight, sidesight, gawain ninyo at kung gusto ninyo to report ‘yung mga tao weekly diyan para may trabaho tayong lahat. They can report to Congress week — weekly or — at your choosing. Walang problema ‘yan. I’m ready to order that. It is not a matter of separation of powers. Iyan ‘yung parang expanded oversight lang na gusto lang man… It is never illegal to know where your money is going,” ayon sa pangulo.

Una rito, inatasan ni Pangulong Duerte ang kanyang gabinete na ilathala sa mga pahayagan kung paano nila ginastos ang pera sa bayanihan act kada dalawang linggo.

Ipinasasama ng pangulo ang mga bidderr pati na ang pagpili kahit na paper clip lamang.

 

 

 

 

TAGS: Bayanihan 2, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan 2, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.