Global death toll sa COVID-19 mahigit 823,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2020 - 10:58 AM

Sumampa na sa mahigit 823,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 823,278 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 182,404.

Sumampa naman na sa mahigit 116,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 61,000.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 116,666
Mexico – 61,450
India – 59,612
UK – 41,449
Italy – 35,445
France – 30,544
Spain – 28,924
Peru – 27,813

Sumampa naman na sa mahigit 16.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

TAGS: covid death, covid pandemic, death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid death, covid pandemic, death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.