Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara nadagdagan pa ng tatlo
Umakyat na sa 54 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Kamara.
Ito ay makaraang makapatala tatlong empleyado ng House of Representatives na nagpositibo sa sakit.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, dalawa sa bagong kaso ay magkapatid na kapwa empleyado ng ng Kamara at naninirahan sa iisang bahay.
Ang isa ay mula sa Human Resources Management Services na huling pumasok sa Kamara noong July 29.
Ang ikalawa naman ay mula sa Engineering Department na pumasok pa sa trabaho noong August 14 at 17.
Nakiitaan din ito ng sintomas noong August 17.
Sa ngayon nagpapatuloy ang contact tracing para sa dalawang nabanggit na kaso.
Samantala, ang isa pang pasyente ay congressional staff na huling nagtungo sa Kamara noong June 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.