PhilHealth SVP Atty. Rodolfo del Rosario Jr. nagbitiw na din sa pwesto
Nagbitiw na rin sa kaniyang pwesto bilang senior vice president for legal sector ng PhilHealth si Atty. Rodolfo Del Rosario Jr.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi nitong ang nagdaang mga araw ay sobrang naging stressful para sa kaniya.
Kabilang na aniya dito ang mga character assassination at trial by publicity na kaniyang naranasan.
“The past days has been so grueling and stressful. The character assassination, trial by publicity and relentless persecution has left me in so much agony,” ani Del Rosario.
Masyado rin aniyang mabigat para sa kaniya ang ipinataw na anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman kasama ang iba pang opisyal.
Nangyari aniya ang suspensyong ito lalo pa ngayong matindi ang pangangailangan ng PhilHealth sa pagkakaroon ng SVP for legal dahil sa mga kinakaharap na problema.
“What hurts me the most is all the negative perception that the institution that I learned to love and cherish for the past 22 years has been getting from all of these. I still believe in the relevance of this social health insurance program and I am praying so hard that PhilHealth, as an institution, eventually recover from this onslaught,” dagdag pa ni Del Rosario.
Dahil dito nagpasya si Del Rosario na magbitiw na lamang sa pwesto.
Epektibo aniya ang kaniyang irrevocable resignation noong August 24, 2020.
“As I cannot afford to be unemployed for the next 6 months, and understanding that the Corporation would need an SVP Legal in these trying times, I have tendered my irrevocable resignation effective August 24, 2020. This was a painful decision”. ani Del Rosario.
Malaki din aniya ang naging epekto sa kaniyang kalusugan ng trabaho niya sa PhilHealth at maging ang oras niya sa pamilya ay apektado.
Nagpasalamat si Del Rosario sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at sa mga itinuturing niyang pamilya sa PhilHealth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.