Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Aug. 26) ay 24,043,580 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 240,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,955,708 matapos makapagtala ng mahigit 40,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 46,000 bagong kaso habang mahigit 66,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Spain ay muling umakyat sa pang-siyam sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Chile.
Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,674,176
India – 3,231,754
Russia – 966,189
South Africa – 613,017
Peru – 600,438
Mexico – 563,705
Colombia – 562,128
Spain – 423,224
Chile – 400,985