Mga presidentiables, may kanya-kanyang solusyon sa agawan ng teritoryo sa WPS

By Kathleen Betina Aenlle March 03, 2016 - 05:10 AM

mischief_reef west phil seaNagpahayag ng kani-kanilang sariling pananaw ang mga kandidato sa pamapanguluhang halalan kung paano nila planong resolbahin ang problema sa pang-aagaw ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Kung si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang tatanungin, nais nitong mapanatili ang hinahon sa isyu at isulong ang kaso sa Permanent Court of Artibtration ng United at United Nations.

Giit ni Roxas, walang patutunguhan kung sakaling idaan sa dahas ang isyu ng aawan ng teritoryo sa West Philippines Sea o South China Sea.

Ayon naman kay Vice President Jejomar BInay na standard bearer ng United Nationalists Alliance o UNA, mas nanaisin nitong isulong ang usapan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte naman, nais din na magkaroon ng ng bilateral talks upang maibsan ang tumataas na tensyon at singilin sa shipping insurance ng mga sasakyang pandagat na dumadaan sa naturang karagatan.

Gayunman, giit ni Duterte, dapat ang China ang manguna sa pagsasagawa ng bilateral talks at hindi ang PIlipinas.

Sakali aniyang maglabas na ng desisyon ang arbitration court, dapat itong sundin ng China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.