Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 68 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 25).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 18,439 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,756 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,074 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 42 dahilan para umabot na sa 14,609 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,531 cases.
MOST READ
LATEST STORIES