Binalaan ni US Defense Sec. Ash Carter ang China laban sa mga agresibo nitong hakbang sa South China Sea, kasama na ang paglalagay ng surface-to-air missile sa Woody island.
Ayon kay Carter, dapat nang itigil ng China ang militarisasyong kanilang ginagawa sa South China Sea, at nag-babalang ang kanilang mga ginagawa ay may magbu-bunsod rin ng kaukulang kahihinatnan.
Nang tanungin si Carter kung ano ang maaring maging kapalit ng mga ginagawa gn China, ibinunyag niya na dinadagdagan na ng US military ang deployment sa Asia-Pacific region.
Bukod dito, nakahanda na aniya silang gumastos ng $425 milyon hanggang sa taong 2020 para pondohan ang marami pang exercises at pagsasanay sa mga bansang kabilang sa rehiyon na sinisindak ng China.
Ipinahayag ito ni Carter sa harap ng mga lumabas na ulat na nag-padala ang China ng hindi bababa sa limang barko sa Quirino atoll ng Pilipinas, na pumipigil sa mga mangingisda na maka-palaot.
Nilinaw naman ni Vice Admiral Alexander Lopez ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command (Wescom) na nakatalagang magbantay sa West Philippine Sea, na hindi totoo ang mga nasabing ulat, at wala na ring mga barko sa nasabing lugar.