26 volcanic earthquake naitala sa Mt. Taal sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2020 - 08:09 AM

Nakapagtala ng dalawampu’t anim na volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Batay sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.

May naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 meters.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at expulsions ng volcanic gas anumang oras.

 

 

TAGS: alert level 1, Taal Volcano, volcanic earthquake, alert level 1, Taal Volcano, volcanic earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.