Pilipinas, posibleng bumalik sa “gray” list ng FATF dahil sa dirty money

By Kathleen Betina Aenlle March 03, 2016 - 05:07 AM

peso-moneyNangangamba ang Securities and Exchange Commission na muling bumalik sa “gray” list ang Pilipinas sa Financial Action Task Force (FATF) na naka-base sa Paris.

Ang FATF ay isang inter-governmental body na nag-bubuo at nagsu-sulong ng mga polisiya para malabanan ang money laundering at terrorist financing.

Ito ay dahil sa lumalabas na butas sa batas, na dahilan kung bakit nakalulusot sa pagbabantay ang pag-ikot ng mga pera sa casino.

Ito’y makaraang lumabas ang mga ulat na may $100 milyong halaga ng dirty money ang nakalusot sa banking system at idinaan sa mga lokal na casino para ma-‘launder’ o linisin at mailayo sa monitoring.

Ayon kay SEC chair Teresita Herbosa, hindi nila maaring kumpirmahin o itanggi ang laman ng imbestigasyon alinsunod na rin sa batas, ngunit ang masasabi lang niya ay nakatitiyak siya na isinagawa na ito.

Aniya, kabilang na ang casino sa mga binabantayan sa ilalim ng local money laundering rules ng karamihan sa mga bansa, ngunit ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga hindi pa nagpapatupad nito.

Napunta na ang Pilipinas sa gray list tatlong taon na ang nakalilipas, na dahilan kung bakit kinailangang amyendahan ang anti-money laundering law.

Sa kasamaang palad ani Herbosa, inalis noon ang mga casino sa mga dapat bantayan, kaya naman ngayon ay tinatanong ulit sila ng FATF kung ano na ang estado ng pinaplanong pag-sama ng casino sa listahan.

Dagdag ni Herbosa, posibleng sa June na mag-sumite ng mga bagong amyenda ang Pilipinas kaugnay dito dahil nag-labas na sila ng mga babala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.