13 nasawi sa gumuhong gusali sa India

By Dona Dominguez-Cargullo August 26, 2020 - 06:21 AM

Umabot na sa labingtatlo ang nakuhang bangkay sa gumuhong gusali sa India.

Patuloy pa ang ginagawang rescue operation ng mga otoridad dahil mayroon pang mga nawawala.

Umabot naman na sa 76 ang nailigtas mula sa gumuhong gusali na pawang dinala sa ospital.

Kabilang sa na-rescue ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na narinig ng mga rescue workers na umiiyak.

Ang limang palapag na gusali ay mayroong 47 apartments at tinatayang 200 katao ang naninirahan.

 

 

 

 

TAGS: Building, India, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Building, India, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.