Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 3,194

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, August 24) , nadagdagan ng 98 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 3,194.

Sa nasabing bilang 1,186 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 201.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 4,581.

 

 

 

Read more...