Nasa 3,006 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Martes ng gabi (August 25), sa nasabing bilang ay 773 ang aktibong kaso.
709 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 782 ang suspected cases.
Samantala, 2,122 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 111 naman ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.