Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang committee vice chairman, irerekomenda nila na makasuhan ng malversation, falsification at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang ilang matataas na opisyal ng PhilHealth.
Dagdag pa ng senador, nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Justice (DOJ) para matiyak na tamang kaso ang maisasampa sa mga personalidad na sangkot sa mga anomalya.
Aniya, natanggap na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng mga kinakailangang dokumento na kanilang nakalap para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa PhilHealth.
Tiniyak din ni Lacson na sa kanilang bahagi may mga gagawin din silang hakbang para maiwasan na ang korapsyon sa PhilHealth at ito ay sa pamamagitan ng mga panukalang-batas.