Senado, handa na sa irerekomendang mga kaso laban sa top PhilHealth officials

By Jan Escosio August 26, 2020 - 12:02 AM

Inaayos na ng mga senador ang committee report mula sa isinagawang mga pagdinig ng Senate committee of the whole ukol sa mga maling paggamit ng PhilHealth sa bilyun-bilyong pisong pondo.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang committee vice chairman, irerekomenda nila na makasuhan ng malversation, falsification at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang ilang matataas na opisyal ng PhilHealth.

Dagdag pa ng senador, nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Justice (DOJ) para matiyak na tamang kaso ang maisasampa sa mga personalidad na sangkot sa mga anomalya.

Aniya, natanggap na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng mga kinakailangang dokumento na kanilang nakalap para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa PhilHealth.

Tiniyak din ni Lacson na sa kanilang bahagi may mga gagawin din silang hakbang para maiwasan na ang korapsyon sa PhilHealth at ito ay sa pamamagitan ng mga panukalang-batas.

TAGS: Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Sen. Lacson on PhilHealth corruption, Sen. Panfilo Lacson, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, Sen. Lacson on PhilHealth corruption, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.