Sa huling datos hanggang 8:30, Martes ng gabi (August 25), umakyat na sa kabuuang 4,133 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 596 ang aktibong kaso o katumbas ng 14 porsyento.
66 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 3,418 na ang total recoveries o 83 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.
Nanatili naman sa 119 ang pumanaw.
MOST READ
LATEST STORIES