Mandaluyong City, nakapagtala ng 64 pang kaso ng COVID-19
Napaulat ang 64 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (August 25), 2,745 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 947 ang aktibong kaso.
145 ang itinuturing na probable cases habang 1,157 ang suspected cases kung saan 9,086 ang cleared na.
64 rin ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 1,692 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Nanatili namam sa 106 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.