Paggasta ng gobyerno, dapat linawin – Sen. Recto

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na atasan ang mga ahensiya ng gobyerno na linawin at tukuyin ang pinaggamitan ng kanilang pondo.

Ayon kay Recto, madaling sabihin na nagamit ang pondo, ngunit ang dapat ay may pagtitiyak na ito ay ginasta para mga pangangailangan at pagbibigay serbisyo sa taumbayan.

Sinabi pa nito na kung sasabihin na naibili para sa taumbayan, dapat ay may ulat din kung ang binili ay nakarating na sa mga nangangailangan.

“Pwede kasi i-report na nakabili na ng bigas, pero kung ito ay hindi pa naipamahagi sa taong bayan, o binubukbok lang sa warehouse, ano ang pakinabang ng mamamayan dito?’ tanong ng senador.

Binanggit nito ang sitwasyon ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na inanunsiyo na napaglaanan na ng pondo ang ayuda sa pamamagitan ng SAP ngunit ang katotohanan ay naaantala ang pamamahagi nito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Read more...