Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 17,576
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (August 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 522na bagong kaso kaya pumalo na sa 17,576 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,933
Laguna – 6,494
Batangas – 2,738
Rizal – 3,493
Quezon – 918
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 11,634.
Nasa 5,496 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 269 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 1,840
Batangas – 1,134
Rizal – 1,214
Quezon – 464
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng pito kaya umabot na sa 446 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 106
Batangas – 74
Rizal – 157
Quezon – 31
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.