P4.506-T 2021 budget, bubusisiing mabuti ng Kamara

By Erwin Aguilon August 25, 2020 - 08:11 PM

Siniguro ni House Appropriations Chairman Eric Go Yap na kanilang hihimayin ang P4.506 trillion na pambansang budget sa 2021.

Ayon kay Yap, titiyakin nila sa Kamara na mapupunta sa bawat ahensya at mga kinakailangang programa ang pondo sa susunod na taon gayundin ay ginagarantiya na mapapakinabangan ito ng taumbayan.

Ang P4.506-trillion 2021 national budget na may temang “Reset, Rebound and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability” ay mas mataas ng 9.9 porsyento kumpara sa P4.1 trillion budget sa taong 2020.

Pinakamataas na pondo pa rin ang sektor ng Edukasyon kasama ang DepEd, CHED, SUCs at TESDA na may P754.4 billion.

Sinundan naman ito ng 2.) DPWH- P667.3 billion; 3.) DILG- P246.1 billion; 4.) DND- P209.1 billion; 5.) DOH- P203.1 billion; 6.) DSWD- P171.2; 7.) DOTR- P143.6 billion; 8.) DA- P66.4 billion; 9.) Judiciary- P43.5 billion; at 10.) DOLE- P27.5 billion.

Pinakamalaking bahagi ng 2021 budget ay mapupunta sa Personnel Services na nasa 29.2 porsyento o katumbas ng P1.32 trillion kung saan dito kukunin ang alokasyon para sa dagdag na hiring ng healthcare workers, second tranche ng Salary Standardization Law, at dagdag na pensyon para sa mga retired uniformed at military personnel.

Ang Capital Outlay naman ay pumangalawa na may 20.4 porsyento ng 2021 budget o P920.5 billion dahil naman sa pagtaas sa bilang ng mga infrastructure programs ng DPWH at DOTr.

Habang ang Maintenance, Operating and Other Expenditures (MOOEs) ay nasa P699.4 billion na hinati sa pagbabayad ng utang na nasa P560.2 billion, Support to Government-Owned and Controlled Corporations na may P157.5 billion, at tax expenditures na may P14.5 billion.

Makasaysayan din para kay Yap ang araw na isinumite ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) dahil humaharap ang bansa sa matinding pagsubok sa COVID-19 pandemic.

TAGS: 18th congress, 2021 budget, Inquirer News, P4.506-trillion 2021 budget, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap, 18th congress, 2021 budget, Inquirer News, P4.506-trillion 2021 budget, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.