Manila LGU, nai-turnover na ang gagamiting laptops, tablets at pocket Wi-Fi devices sa blended learning sa lungsod

By Angellic Jordan August 25, 2020 - 07:44 PM

Pormal nang nai-turnover ng Manila City government ang mga laptop, tablet at pocket Wi-Fi device sa Division of City Schools o DepEd Manila.

Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang ilang larawan kung pag-turnover sa DepEd Manila kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Ayon kay Moreno, gagamitin ito ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Maynila para sa Blended Distance Learning Mode.

Sinabi ng alkalde na malapit nang simulan ang pamamahagi nito.

“Paalala po namin sa mga magulang, alagaan niyo po ang tablet para sa anak po ninyo kapag kayo po at makakatanggap. Ito po ay property ng Division of City Schools. Para po tuloy-tuloy ang blended distance learning mode ng anak ninyo,” pahayag ni Moreno.

TAGS: blended learning in Manila, DepEd Manila, Division of City Schools, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, blended learning in Manila, DepEd Manila, Division of City Schools, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.