VP Robredo, ipinagtanggol ni Sen. Pangilinan sa banat sa Malakanyang
Dinipensahan ni Senator Francis Pangilinan si Vice President Leni Robredo sa mga banat ukol sa mga inalok niyang solusyon sa pagtugon sa COVID-19 crisis.
Ayon kay Pangilinan, hindi naman winawasak ni Robredo ang gobyerno kundi nagbibigay lang ng mga solusyon sa aniya ay mga kapalpakan ng pamahalaan.
“Nagbibigay siya ng solusyon dahil napakarami pa lalo ngayon ang nagkakasakit at milyon na ang nawawalan ng trabaho,” sabi pa ng senador.
Buwelta pa nito, hindi ang mga mungkahi ni Robredo ang sumisira sa gobyerno kundi ang malawakang kapalpakan at pangungurakot sa gitna ng pandemiya.
“It is not VP Leni’s words, but Duterte and Duque’s failure to address the incompetence and the massive corruption that is destroying the government,” diin ni Pangilinan.
Sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na hindi na dapat pagningasin pa ni Robredo ang sitwasyon dahil aniya sa paninira sa gobyerno, masisira din ang taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.