BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 197,000 na
Halos 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (August 25), umabot na sa 197,164 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 61,730 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,965 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.1 porsyento ang asymptomatic; 0.9 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 86 out of 109 licensed laboratories.
Nasa 34 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,038 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 368 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 132,396 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.