25 pang Filipino abroad, gumaling sa COVID-19
Mayroon pang napaulat na 25 na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 25, umakyat na sa 10,028 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,257 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
15 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,029 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, nanatili sa 742 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,949 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,158 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 795 naman ang kaso sa Americas at 1,126 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.