CSC Chairman Bala, ipinatatawag ng Kamara sa pagdinig kaugnay PhilHealth mess

By Erwin Aguilon August 25, 2020 - 02:17 PM

Ipinapatawag ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability sa susunod na pagdinig si Civil Service Commission (CSC) Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala kaugnay sa imbestigasyon sa mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth.

Kasunod ito ng pagbubulgar ni CSC Commissioner Aileen Lizada sa mga kongresista na ipinag-utos ni Chairman Bala na huwag magbibigay ng impormasyon sa mga nakabinbing kaso ng PhilHealth sa komisyon sa kahit anong uri ng pagsisiyasat, ‘in aid of legislation’ man ito o kahit anong uri imbestigasyon.

Ipinapa-subpoena din ng Kamara ang recording ng naging pulong ng CSC at record ng ‘minutes of meeting’ kung saan ipinag-utos ni Bala ang pag-hold sa impormasyon ng mga kaso ng PhilHealth.

Binigyang direktiba din ang Committee Secretariat na ipasumite sa CSC ang mga dokumento at lahat ng kaso ng PhilHealth.

Sa Huwebes ay muling ipagpapatuloy ng mga komite ang pagbusisi sa isyung ito na kinasangkutan ng CSC at PhilHealth.

TAGS: 18th congress, csc, CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, CSC Commissioner Aileen Lizada, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news, 18th congress, csc, CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, CSC Commissioner Aileen Lizada, Inquirer News, philhealth anomaly, philhealth corruption, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.