Pagpapauwi sa returning OFWs sa Iloilo, Bacolod City at Negros Province suspendido muna

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 11:22 AM

Inabisuhan ng Maritime Industry Authority o MARINA ang mga manning agency hinggilsa ipinatutupad na temporary suspension sa pagpapauwi ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iloilo, Bacolod City at Negros Province.

Sa abiso ng MARINA, hiniling sa mga local manning agencies na iwasan muna ang pagdadala ng mga seafarers sa mga paliparan pauwi sa naturang mga lugar.

Ito ay matapos na pansamantalang suspendihin ng mga lokal na pamahalaan ang pagtanggap ng returning OFWs sa kani-kanilang mga lugar.

Ang suspensyon ayon sa MARINA ay nagsimula ngayong araw.

Muli na lamang maglalabas ng abiso ang MARINA kapag maari nang magpauwi ng OFWs sa Iloilo, Bacolod City at Negros Occidental.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bacolod city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Iloilo, Inquirer News, LSIs, MARINA, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, Negros Province, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bacolod city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Iloilo, Inquirer News, LSIs, MARINA, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, Negros Province, News in the Philippines, Radyo Inquirer, returning OFWs, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.